|
"It is neither death nor darkness that we fear the most...it's the uncertainty in those things..." -or something like that, ayon kay JK Rowling.
May timezone ba ang mga multo?
Nung isang Linngo, habang naka-sandal ako sa pinto at nakatanaw sa madilim na banda roon, napaisip ako; may Timezone ba ang mga multo?
Ganito kasi ‘yon: gabi-gabi eh ako yung huling natutulog sa bahay. Siguro mga 3:00 ng umaga rin ako nakakatulog. So sa aking pag-iisa eh naaalala ko si Emily Rose, ang Shutter, ang Fatal Frame, Silent Hill, si Sadako at ang multo sa Juon. Dahil talaga namang matatakutin ako at malikot ang aking imahinasyon eh well, alam nyo na. Sobrang tibok ng puso ko at sa bawat anino na nakikita ko eh iba’t ibang nakakatakot na larawan ang naiisip ko. Eto ang isang istorya:
Kapapanood ko lang ulit ng Emily Rose. Dun sa mga nagsasabi na hindi yun nakakatakot, I disagree. Madali lang akong matakot. Sa sobrang dali, ng minsang takutin at gulatin ako ni Justine sa fourth floor eh napatili at napatalon pa ako kahit na na-register na nang utak ko na si Jin yon. So back to the story. Pagkatapos kong manood ng Emily Rose eh nanood naman ako ng The Omen. Lumang movie na yun kung saan ang bida ay isang british ambassador. Ang conflict: ng mamatay yung anak niya, nagampon sya ng demonyong bata para hindi masaktan yung asawa nya. Tamang-tama naman na ang isa sa mga kampon nung bata eh malalaking aso. melay kung naaalala mo to eh pinanood an natin sa inyo at hiniram natin yung tape sa kapitbahay nyo kaso di na natin sinoli.
Nang gabing iyon, matapos kong manood ay naligo ako sa banyo.
(author's note<an>: hindi ito censored so kung naghahanap ka ng censored eh sori na lang. punta ka sa ibang page. <joke lang>) =)
Mga twelve am na non at nag-eenjoy ako sa pagtingin sa sarili ko sa salamin ng bigla na lang eh may nakita kong shadow sa likod ko. Shadow ng babae na hindi ako. So sabi ko sa sarili ko "cool lang". wala lang yun. Sakto naman yung malaking aso ng mga borders namin na kualy itim at para ring may sa maligno eh nag-growl at kiniskis ang sarili sa pader ng banyo. What was i to think eh ganun din yunng nangyari sa pelikula na pinanood ko? Ngayon eh natatatakot na ako at minadali ko yung paliligo. Tumuntong na ako sa bathtub para magshower....nag-eenjoy ako ng bigla akong napatingin sa bintana. Nakita ko yung shed sa garden na mukha nung shed na pinag-exorcisim-an kay Emily nung gabing nagsalita sya ng hebrew. SA LABAS NG BINTANA KO EH MAY NAG-IISANG ROSE.
Suffice it to say na nagtatakbo ako palabas ng banyo at hindi nakompleto yung paliligo ko.
(an: teka lang, may patutunguhan ba talaga ang mga sinasabi ko?)
So dahil sa takot ko, hindi ako ankaligo ng matiwasayn and after that siguro mga three days din akong nagpasama kay jo kahit sa banyo lang. Takot akong tumingi sa bintana in fear na baka may makita akong kakaiba. Marami akong hindi natapos at hindi nagawa dahil sa takot ko na ito.
As simple as this example might seem, it clearly shows us fear and the things it hinders us to do.
Fear may be something that we could hold like fear of spiders, of cats, of dogs, or something that is intangible. It could be fear of death, of to morrow of just living. But whether it is abstract or not, the fear remains, real and threatening. And we must fight it.
Takot ako. Hindi lang sa multo. Takot ako sa ibang pagbabago, sa uncertainty ng bukas ko, minsan, sa sarili ko. Dahil sa mga takot na ito, naglo-lost of perspective ako. yung mga bagay na importante at necessary eh hindi ko nagagawa. Hindi masamang matakot. Lahat ng tao ay natatakot. Masama lang ito kung dahil dito eh hindi ka na nabubuhay at kinukulong mo ang sarili mo sa apat na sulok ng makitid mong mundo na ang naghahari ay takot.
Pero katulad ng lahat ng bagay sa mundo, ang takot ay maaaring mawala. Figuratively. Parang ganto: hahayaan mo ba ang takot na pigilan ka sa mga bagay na anis mong gawin, sa mga abgay na atalagang mahalaga sa iyo? Hahayaan mo ba ito na sumira sa kaligayahan mo at pasukin ang isip mo para ito na lang ang lagi mong iisipin? O na sirain nito and "present" cast doubts in the "past" and become "your future"?
Ako. syempre hindi. Bakit naman. Kahit takot ako mas mahalaga sa akin yung mga taong naniniwala sa akin at sa mga kakayahan ko. Mas importante ang mga taong mahal ako at minamahal ko. Mas importante kayo kahit sa anong takot.
(an: may sense naman di ba? <wink!>)
So balik tayo sa katanunagang: may timezone nga ba ang mag multo? Fifteen hours ang difference ng Reno at ng Pilipinas. Pag umaga dtio, gabi dayan at ang gabi dtio ay umaga dyan. At natatakot lang ako sa gabi. ibig bang sabihin nito sa gabi lang lumalalbas ang mga multo dahil natutulog din sila sa umaga? O na pag tulog ang mga multo sa pilipinas eh gising naman ang mga kasama ko dito sa bahay na ito? naiintindihan nyo ba? natutulog ba sila? naaapektuhan din ba sila ng international date line?
|